Kasaysayan ng Glamensine Kingdom sa Probinsiya ng
Praktisadus
_________________________________________________
Background of the Epic-Novel:
The Setting of the Story and the Roots of Its Characters and History
Praktisadus, Palañas.
Noong unang panahon sa bansang Palañas, mayroong isang
malaking probinsiya o lalawigan sa loob nito na tinatawag na Praktisadus. Ito’y
isang mayamang lalawigan dito sa Hilagang bahagi ng Palañas, at maraming mga
banyaga ang naakit na manirahan dito. Mayaman ito sa langis, asin, mga
anyong-lupa at anyong-tubig at sagana rin sa ginto, pilak, at tanso. Simple ang
paraan ng pamumuhay ng iba’t ibang mga pangkat-etnikong naninirahan dito.
Gayunpaman, walang pinuno ang lalawigang ito na naglalayong maisulong ang mga
likas na yaman para sa pambansang kapakinabangan. Palibhasa, hindi gaanong
nagkakaroon ng komunikasyon ang mga pangkat-etniko. Kaya’t wala pang
panlalawigang pagkakaisa ang Praktisadus. Walang malinaw na direksiyon ang
magiging kinabukasan ng bayang ito at patuloy ang pagsikat at paglubog ng araw,
pero walang pagbabagong natatanaw. [Limampung taon na ganito ang estado ng mga
mamamayan at mga lupain sa Praktisadus.]
Ang mga mamamayan ay kumakain at umiinom
para mabuhay at makipagsapalaran sa paghahanap-buhay para sa kanilang pamilya
at sariling ambisyon―at para doon lamang. Hindi naman masama ang bagay na ito;
sapagkat ang ‘pamilya’ o ‘mag-anak’ ang siyang pinakamaliit na yunit ng
pamayanan o ng lipunan. Kaya lang, tayo ay dapat pa ring makipag-ugnayan sa
ibang tao na hindi kabilang sa ating pangkat o iba sa ating kultura. “Walang
taong isang pulo o isla,” wika ng isang makata, “at walang sinuman ang
nabubuhay para sa sarili lamang,” sabi ng isang apostol.
Walang alam ang mga tao
hinggil sa larangan ng panlalawigang politika, heograpiya, at iba’t ibang uri
ng sensiya o agham na maaari sanang makatulong para mapaunlad ang bayang ito
tungo sa pagiging lakas o puwersa na siyang tutulong sa ibang maliliit at
naghihirap na mga probinsiya sa ibang bahagi ng bansang Palañas. Ganon din,
masyadong barbaro o kapos sa sibilisasyon ang karamihan sa mga etnikong
pangkat. Ang tanging marangal sa grupo ay yaong mga matatagpuan sa gitnang
bahagi, sa Centro. Nagbago lamang ang sitwasyonng ito ng dumating ang isang Cristianong misyonero na nagnga-ngalang Iranius Celo, galing sa bansang Korial.
Si Iranius Celo, ang Magiting na Unang Bayani at Unang Cristianong Misyonero sa Praktisadus, Palañas |
Dala ang Mabuting Balita (gospel) tungkol sa Adonai Yeshua Cristus, ipinalaganap niya ang kaalaman tungkol sa Dakilang Elohim (* salitang Hebreo para sa Diyos) at ang layunin ng Dakilang Manlilikhang ito para sa mga tao. Gamit ang isang libro na tinatawag niyang Banal na Kasulatan (Biblia sa kasalukuyang pagtawag), tinuruan niya ang mga tao ng mga payak ngunit makabuluhang katotohanan hinggil sa pananatili sa planetang ito at maging sa susunod na buhay. Naging mapagmahal ang mga tao at mapagmalasakit sa isa’t isa gaya ng natutunan nila tungkol kay Yeshua Cristus (salitang Griyego na ang kahulugang ay Hesus ang Cristo―pangalan ito at titulo ng sinugong Tagapagligtas ng sangkatauhan.) Si Adonai Yeshua [Panginoong Jesus] ang magliligtas sa mga tao mula sa kasalanan. [Siya ang only-begotten Son of GOD. Kung ano ang Dios ay ganon din ang kanyang kalikasan o nature: ang Dios ay walang hanggan, si Yeshua o Hesus ay wala ring hangan. Ang Diyos ay walang simula at wala ring wakas; ganon din si Hesus.] At siya rin ang magdadala sa mga tao sa tunay na kagalakan. Ang aral tungkol kay Yeshua ay maingat na nakatala sa kasulatan na tinipon at pinag-isa ng mga patriyarka ng mga eklessia (church fathers sa Engles). Napuno ng kagalakan ang puso ng mga tao sanhi ng pananalig at pagsunod sa kalooban ng Panginoon, at lalong lumawak at lumalim ang kanilang pananaw sa buhay. Maraming tao ang umunlad ang karunungan hindi lamang sa aspetong espirituwal o larangan ng relihiyon kundi, kaakibat nito, sila’y naging mapagsiyasat din at inisip kung paano higit na mapanga-ngalagaan ang kanilang lalawigan laban sa mga mapanamantalang dayuhan na nagbabantang sumakop sa kanila.
Noong mga panahong iyon,
dumating sa Praktisadus ang manlalakbay na galing pa sa Indonastiya. Isa siyang kapitan
ng Hukbong-Pandagat ng Kaharian ng Krussia na matatagpuan sa ibabang bahagi sa labas ng bansang
Palañas. Labis na nabighani ang manlalakbay na ito, kayat sa kanyang
pagbabalik sa Indonastiya, ibinalita niya ang tungkol sa kanyang
natuklasang lalawigan na puno ng likas na yaman ngunit walang hari na namumuno
sa mga mamamayan. Nang marinig ng Hari ng Krussia ang balitang ito tungkol sa
kayamanan ng Praktisadus, nabuo sa isipan niya na gawing kolonya ng kanilang
bansa ang lalawigang ito. Sasakupin
nila ang Praktisadus.
Ang literal na kahulugan ng
*Praktisadus, ayon sa tradisyunal na ulat, ay “praktikal na
kariktan o kagandahan”. Noong circa 700 A.D., nagkaroon ito ng isang
marangal na pinuno na nagngangalang Thandruz Adrius Glamensine. Siya ay apo ng
mensaherong si Iranius Celo. [May anak na babae si Iranius, at ang pangalan ay
Iramy Celo. Napangasawa ni Bb. Iramy ang isang mandirigma na nagnga-ngalang
Arthanduz Glamensine at nagkaroon sila ng anak na lalaki na pinangalanan nilang Thandruz Adrius Glamensine.]
Ang batang si Thandruz Adrius ay lumaking matalino, matapang, maawain, at
puspos ng sigasig na tuparin ang isang Dakilang Layunin: “Pagkaisahin ang
Buong Lalawigan ng Praktisadus Tungo sa Pambansang Pag-unlad”. Isa sa mga
una niyang ginawa bilang hakbang ay ang pagkakaroon ng isang opisyal na
inang-wika para sa panlalawigang pagkakaisa. At dahil marami sa mga taga-centro
ang nakakapagsalita ng wikang Pensa-asinan, iyon ang pinili nilang maging
opisyal na inang-wika na ituturo at sasanaying gamitin ng mga Praktisadians
upang maging daan sa pagkakaunawaan. Pagkatapos, hinati niya ang Praktisadus sa
__ na bayan o munisipalidad. Ang tatlong pinaka-mauunlad na munisipalidad ay
tinawag niyang mga pangunahing lungsod o yict;
gaya ng Nas Solrac Yict,
Dupagan Yict at Urdancia Yict.
Warrior "Arthanduz Glamensine" and Lady Iramy Celo, the GrandDaughter of Reverend Iranius Celo |
Sir Thandruz Adrius Glamensine, and ikalawang bayani ng Praktisadus; Siya ang nagtatag ng Glamensine Kingdom; Si Sir Thandruz ang ama ng Unang Hari ng Glamensine na si Thandruz Jr. |
Dumating ang panahon na sinalakay ng
Hukbong-Sandatahan ng Krussia ang tatlo sa maraming mga probinsiya sa Palañas:
(1) Praktisadus, (2) Cartez, at (3) Lagundez. Upang maipagtanggol ang kanilang
bayan, pinangunahan ni Thandruz Adrius Glamensine ang pagtatanggol sa mga
munisipalidad ng Praktisadus. Kasama ang kanyang mga magigiting na mandirigma,
ay naitaboy nila palayo ang mga kaaway; at simula noon, si Thandruz ay kinilala
ng maraming mamamayan bilang bayani ng kanilang bayan. Ang mga bayang
ipinagtanggol nila ay kanilang pinalakas at lalo pang pinatatag. Isang mahusay
na organizer ang Pinunong si Glamensine at sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang
payak at mahinang bayan ng Lengwa ay naging makapangyarihang Centro at Capital Town
ng Praktisadus. Itinatag niya rito ang isang kastilyo at pinalagyan niya ng
watchtower [bantay-tore] para makapagbigay-babala hinggil sa paparating na
panganib. Pagkatapos ng digmaan laban sa Krussia, nagpatawag siya ng pulong at
inihayag sa mga mamamayan ang kanyang mga panukala para sa kanilang bayan.
Pumili siya ng mga magigiting na heneral at inilagay upang mamahala sa mga
hukbong-sandatahan ng kanilang lalawigan. At higit sa lahat, itinatag ang
Pamahalaan o Gobyerno ng kanilang Probinsiya na tinawag na “Ang Nagkakaisang
Kaharian ng Glamensine”. [Alinsunod ang katawagang ito sa kanyang
apelyidong Glamensine. Siya ang kinilala bilang pangalawang bayani ng
Praktisadus, at unang bayani naman ang Cristianong misyonero na si Iranius Celo
na kanyang lolo.] Dito na nagsimula ang pagsasanay sa mga kuwalipikadong pinuno
upang maging huwaran o modelo ng katuwiran sa larangan ng politika*.
Isa pa sa mga
pagbabagong ginawa niya ay ang pagtatalaga niya ng labindalawang mga opisyales
na bubuo sa Konseho ng Glamensine (Glamensine Council). Itinatag
niya ang Konsehong ito bilang gabay-sanggunian hinggil sa mga mahahalagang
usapin at pagpapasya na may kinalaman sa makatarungang pamamalakad sa Kaharian
tungo sa pagsulong nito. At bilang pagbibigay-pugay sa kanyang Lolo Iranius
Celo, ipinasa niya sa Konseho ang isang batas na nag-uutos sa mga nasasakupan
na regular na basahin ang Banal na Kasulatan at ituro ang mga prinsipyo nito sa
mga mag-aaral na pumapasok sa kanilang Institusyong Pang-Edukasyon. Nagtalaga
siya ng mga taong kilalang tapat, may takot sa Diyos, maibigin sa kapwa, at
mahusay sa pagpapaliwanag ng nilalaman ng Kasulatan at sila ang ginawang
Tagapangasiwa sa mga gawaing-panrelihiyon sa loob at labas ng kanilang mga
templo na tinatawag nilang “pilyaklessia” [o ‘chapel-church’].
Pangarap ni Sir Thandruz Glamensine na magkaroon din ng sistema ang iba pang pangkat etniko sa
kanilang bansa. Isa pa, nais din niyang lubos na mapag-isa ang mga
munisipalidad sa Praktisadus. Kaya lang, ang
dalawang bayan nito ay hawak
pa rin ng mga Krussia, at hangga’t naroroon sila, may panganib na laging
nag-aabang para sa kanilang kaharian. Pero determinado si Thandruz na abutin
ang Dakilang Layunin, kaya’t ibinuhos niya ang kanyang lakas, talento,
kayamanan, at ang buong buhay niya para mapaglingkuran ang taumbayan.
Noong mga panahong iyon, ninanais ng mga
tao na lumuklok bilang isang Hari ng Praktisadus si Thandruz Adrius Glamensine.
Subalit sa ilang mga kadahilanan, tumanggi siya sa panukalang ito, at sa halip
ay sinabi niyang hindi siya ang tinawag ng Diyos para sa posisyong ito. May
ibang hihirangin ang langit upang siyang maging unang hari nila. [Sa puso at
isip ni Sir Thandruz, batid niyang isa sa kanyang mga anak ang uupo bilang Hari
sa Royal Palace ng Lengwa, Praktisadus.]
Alam niya na isang
matagal at mahabang pagpupunyagi ang pag-abot sa kanyang pangarap: “Pagkaisahin
ang Buong Lalawigan ng Praktisadus Tungo sa Pambansang Pag-unlad”; alam din
niyang hindi sa kanyang
henerasyon matutupad ang
pangarap na ito, kaya’t ibinahagi niya sa mga mamamayan ang pangarap na ito.
Ganon pa man, nais niyang mailatag ang pundasyon para sa Marangal na Kaharian ng Glamensine, at ang unang magiging lalaking
anak niya ang hihirangin bilang Unang Hari ng kanilang Sagradong Angkan upang
mamahala sa Praktisadus. At ang susi dito ay ang pagpapalaganap ng kaalaman sa
Panginoong Hesu-Cristo: ang pagpapatupad ng mga batas o utos ng Tapagligtas.
Wala ng ibang instrumento kundi ang Ebanghelyo o Gospel ni Jesus Christ: ito lamang ang
nag-iisang instrumento na pinili ng Diyos para iligtas ang sinumang naniniwala,
kaya’t nararapat itong
maipangaral. [Ang salitang gospel ay nangangahulugang “good news” o
kaya’y “glad tidings”.] Ang Mabuting Balitang ito ay matatagpuan sa
Banal na Kasulatan ng mga Cristianus. [*Para sa karagdagang impormasyon,
maaaring magtungo sa Apendise # __ ng aklat na ito.] *Si Sir Thandruz ay may
kaibigang isang Poimen [o Shepherd-Pastor-Teacher]
na siyang nagtuturo ng Salita ng Diyos sa kanya at sa kanyang pamilya. Ang
pangalan ng Poimen na ito ay Agustino
Samio. Sa pamamagitan ng kanilang debotong pagsamba at pagsunod sa kalooban
ng Diyos, nararanasan nila ang kapangyarihan ng Diyos at lagi silang
nagtatagumpay sa kanilang mga gawain.
Naniniwala sila na sa lahat ng bagay, dapat munang
unahin ang kaharian at katuwiran ng Diyos, sang-ayon sa sinabi ng Panginoong Hesus sa kanyang sermon sa bundok na nairekord ni Apostle
Matthew sa isang passage sa
kasulatan:
“But seek
ye first the kingdom of God, and his
righteousness; and all these things – food, drinks, and clothes – shall be added unto you.” (Matthew 6:33, Bible)
________________________________________________
Noong ika-sampung taon
ng kanyang paghahari, isinilang ni Lady
Thanella Adrius (asawa ni
Thandruz Adrius Glamensine) ang magiging tagapagmana ng pangarap at pamana ng
dakilang bayani: ang batang lalaking ito ay pinangalanan din alinsunod sa
pangalan ng ama, at nilagyan lamang siya ng titulong Junior sa dulo. Siya ang susunod na pinuno ng
Glamensine: si Prinsipe Thandruz Adrius Glamensine,
Jr. Siya ang magiging Unang Hari ng “United Kingdom of Glamensine”
dito sa Praktisadus.
Lady Thanella Adrius, Ina ng Unang Hari ng Glamensine; asawa ni Ginoong Thandruz Adrius Senior. |
_______________________________________________
AFTER
__ YEARS…
Lumipas ang mahabang panahon, at matanda na ang Senior
Glamensine, Sir Thandrus Adrius (__ years). Binalak niyang ikutin sa huling
pagkakataon ang mga bayang kaniyang pinamumunuan. Sakay ng isang kabayo,
mabilis niyang tinahak ang landas patungo sa bandang dulo o hangganan ng sakop
ng kanilang kaharian sa Kanluran. Dinalaw niya ang isang munisipalidad doon, sa
may balangay ng *Chengwang-chan, at kinamusta ang Kapitan dito. Pagkatapos,
nagpasama siya sa ilang mga bantay-kawal at tumuloy siya sa Bundok Havilez.
Pagdating sa paanan ng bundok na ito, pinaiwan na niya ang mga bantay-kawal
dito, at mag-isa siyang umahon sa bundok. Binabalak niyang manalangin upang
kausapin ang Panginoon at alamin ang kalooban nito para sa mga huling buwan ng
kanyang buhay: nararamdaman kase nyang nalalapit na ang kanyang kamatayan. (Itutuloy…)